PNoy nakipagpulong kay INC head Ka Eduardo Manalo

PNoy

PNoy


NAKIPAGPULONG kaninang umaga si Pangulong Aquino sa pamunuan ng makapangyarihang Iglesia ni Cristo sa harap naman ng ulat ng pag-eendorso ng INC sa kandidatura ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa isang ambush interview kay Aquino matapos ang pakikipag-usap kay INC Executive Minister Ka Eduardo Manalo, nabigo namang banggitin ni Aquino kung humingi siya ng pag-eendorso para sa pambato ng Liberal Party (LP) na sina dating Interior secretary Mar Roxas at Camarines Sur Rep. Leni Robredo.

“First nagpapasalamat muna ako dahil talaga namang nadama natin ang suporta throughout the administration and even before I have been in office, tapos parang sharing also the vision of sana what happened after I stepped down from office, usual appeals and political appeals, as usual maganda ang pagkatanggap sa atin ni Ka Eduardo, I have no complaints but to say thanks for all the support of..‬” sabi ni Aquino.

Nauna nang napaulat na inendorso na ng INC ang kandidatura ni Marcos.

“Actually 59 days, sana yung change in the attitude of the people, from parang apathy to one of hopeful or being very hopeful,” dagdag ni Aquino kaugnay ng pagtatapos ng kanyang termino.

Kasabay nito, sinabi ni Aquino na hintayin na lamang ang hatol ng bayan kaugnay ng magiging resulta ng eleksiyon sa Mayo 9.

“Sa amin lang nakita naman nyo ang pruweba, yung tinatawag nating daang matuwid, nasa sa inyo kung ipagpapatuloy ito at lalo pang mapapalakas. So ang dulo, parati naming sinasabi, Boss namin ang taumbayan, hintayin namin ang hatol ng taumbayan kung ano ang gusto ng mga Boss natin,” dagdag ni Aquino.

Read more...