Angelica Panganiban bumanat sa kapwa Duterte fan; ipinangtanggol si Melai

KAHIT na ang Duterte supporter na gaya ng aktres na si Angelica Panganiban ay hindi nakatiis sa banta ng kapwa niya fan ng nangungunang presidential bet na nang-wish na dapat ma-rape ang batang anak ni Melai Cantiveros.

Sa kanyang comment sa post ni Melai, sinabi ni Angelica na hindi dapat nagwi-wish ng kapahamakan ang isang matinong tao sa kapwa niya, kahit na taliwas sila nang sinusuportahang presidential bet.

“Nakakaloka naman ito! Pabaliw na mga tao. Personalan na. May kanya-kanya po tayong opinyon at gustong kandidato. Hindi tama na hilingin mong may mangyaring masama sa kapwa mo tao dahil hindi kayo parehas na presidente,” say ni Angelica.

Read more...