Jake mukhang ‘pagod na pagod’ sa Probinsyano; Elmo mas naging fresh sa ABS

 

BAHAGI na rin ng FPJ’s Ang Probinsyano si Elmo Magalona. Medyo bisi-bisihan kami noong makita namin ang very refreshing aura ng batang aktor sa soap opera na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Kaya lang kami napatanga dahil sa eksenang kasama ni Elmo si Jake Cuenca, eh obvious na lumutang ang kaguwapuhan ng bagets at ang sarap-sarap nitong halikan on screen. Mas naging obvious tuloy ang “pagod” look ni Jake, idagdag pa ang hindi masyadong appealing na mahabang buhok nito kaya nagmukha siya tatay na.

Kung kelan naman summer at parang “pawisin” na makita ang lalaking may long hair, saka naman may ganu’ng peg si Jake.Bukod sa magaling na bagets na si Aura at kay Manoy Eddie Garcia, parang nasilip din namin si Janella Salvador as among the latest cast members ng numero unong serye sa primetime.

 

Read more...