SAYANG at hindi na masasakyan ni Cristine Reyes ang bagong biling pulang Subaru car ni Rayver Cruz.
Ipinarada raw ito ni Rayver noong Linggo sa ABS-CBN parking lot kaya naman lahat ng nakakita ay napahanga sa magarang sasakyan ng aktor.
Base sa kuwento ng aming espiya ay mala-sports car daw ang 4-door car ng aktor dahil ang daming accessories na kung hindi kami nagkakamali ng dinig ay P3 million ang halaga.
Kaya ganado raw ngayong mag-trabaho si Rayver dahil sa bago niyang “baby”.
Bukod dito ay may plano pang bumili ang aktor ng isa pang sasakyan na gagamitin naman niya sa kanyang mga taping o shooting.
Sa kotse lang pala ipinagpalit ni Rayver si Cristine. He-hehehe!
MOST READ
LATEST STORIES