Janno inintriga ang lip sync showdown nina Heart at Rhian

janno gibbs

NABAHIRAN ng intriga ang isang reality show ng Siyete nang mag-comment si Janno Gibbs kung sino talaga ang dapat manalo sa pagitan nina Rhian Ramos at Heart Evangelista na nag-lip sync battle.

“It was clear who won. But they have to ask the audience…Tsk. Tsk. Unfair,” say ni Janno. Ang chika, naghakot daw ng fans itong si Heart kaya siya nagwagi. Say ng isang netizen, noong round one ay kita naman that Rhian had 50 supporters at halos hindi puno ang studio.

Nagwagi raw si Rhian sa round one. But the second round clearly went to Heart. Dumagsa raw kasi ang supporters nito at talagang pinuno ang studio. Nagmistulang rally nga raw sa loob ng studio sa dami ng mga taong nag-cheer kay Heart. They were chanting “Puso, Puso, Puso”.

Bigla raw nagkagulatan at tumiklop ang fans ni Rhian na 50 lang. Ang chika, may hakutan daw talagang naganap at si Heart ang humakot. Malinaw naman daw na may hakutan na nangyari dahil sa van na naka-park outside the network na may mukha ni Chiz Escudero.

We don’t watch the show and we don’t know what mechanics they follow. Kung may hakot man si Heart, siguro ay kasama ‘yon sa labanang iyon. Bakit hindi rin naghakot si Rhian to guarantee her victory?

Read more...