Aktor sira ang diskarte sa career nang ma-in love kay female star

BLIND ITEM MALE 0329

GAANO katotoo ang kuwento na may hindi pagkakaunawaan ngayon ang isang guwapong young actor at ang tumatayo niyang manager?

Maraming nanghihinayang sa kanilang samahan dahil mula nang pumasok sa pag-aartista ang young male personality ay ang manager-uncle na niya ang walang kundisyong tumulong sa kanya.Walang pamilya dito ang guwapong aktor, nasa ibang bansa, kaya ang manager-tiyuhin na niya ang umako sa lahat ng responsibilidad para lang maging maayos ang kanyang buhay at career na matagal na niyang pinapangarap.

Naging maayos naman ang takbo ng kanyang karera, masuwerte siyang inalagaan at sinuportahan ng isang network, hanggang sa isang araw ay nalambungan ng pakikipagrelasyon ang samahan ng magtiyuhin. Pumasok kasi sa eksena ang isang baguhang female personality, nagkainlaban sila ng guwapong batang aktor, hanggang sa unti-unti nang naapektuhan ang disiplina ng guwapong male personality.

Kuwento ng aming source, “Masyadong concentrated si ____ (pangalan ng guwapong young actor) sa girl ngayon. Marami na siyang napababayaan, pati ang trabaho niya, naaapektuhan na rin. “Wala namang masama kung ma-in love man siya, pero sana, ilagay niya sa tamang lugar ang pakikipagrelasyon niya.

Kaso, mukhang nasilo na ng napakalagkit na karisma ng girl ang young actor na napakaganda pa naman ng takbo ng career ngayon,” simulang kuwento ng  aming source. Nu’ng minsang pagsabihan ng kanyang manager ang young actor ay minasama niya ‘yun, nagkatampuhan sila, ipinagtanggol ng bagets na aktor ang babaeng karelasyon niya ngayon.

“Bradly Guevarra, mark my word, kilalang-kilala mo kung sino ang girl na starring sa kuwentong ito. Kamag-anak ng yema ang name niya, makunat na panghimagas, siya na nga ‘yun!” pagtatapos ng aming impormante.

Read more...