Hindi na talaga maitatanggi na napaka-busy na ng husband ni Heart Evangelista na si Sen. Chiz Escudero dahil papalapit na nang papalapit ang eleksyon.
Kung noon, every weekend silang may family photo, nakakapag-mall at lunch out pa sila kapag Sunday, recently nga ay bihira na raw makapag-spend ng time with his family ang senador dahil sa kaliwa’t kanan ang commitments nito.
To the rescue naman ang kanilang Tita Heart sa kambal at kahit ito mismo ay tina-try i-juggle ang tapings, shootings, pagtulong sa campaign ng asawa at ang pagiging artist pa nito, ay di nakakalimutan ni Heart maging nanay kina Chesi and Quino, ang kambal ni Chiz.
Nitong Sunday nga ay lumabas pa si Heart with the twins kasama pa ang kanyang friend and stylist na si Kat Cruz. Masayang nag-swimming ang apat at nag-post pa nga si Heart ng kanilang mga pictures sa Instagram.
Puring-puri naman ng netizens si Heart sa ginagawa nitong pag-aalaga sa kanyang stepchildren.
“It’s nice to see you giving quality time with the kids especially now that Senator Chiz is very busy campaigning…thank you hearty for being a good mom to Chesi and Quino,” ayon sa isang follower ng Kapuso actress.
“I love seeing your pics with the kids!!! They genuinely seem to really have a great time with you. Chesi is so adorable! Lovely kids,” comment pa ng isang IG user. Talaga namang supermom ang peg ni Heart kahit hindi niya tunay na mga anak ang kambal.
Mas may bonding moments nga raw si Heart at Chesi dahil pareho silang girls, at talagang magkasundung-magkasundo sila. Palagi nga itong binibihisan at isinasama pa ni Heart sa pagsa-shopping.
Kapag nga may event sa school na hindi mapupuntahan ni Chiz, si Heart ang uma-attend at nagsisilbing guardian ng kambal.