WALA pa ring tatalo sa ABS-CBN sa larangan ng pagprodyus ng mga programa sa telebisyon na angkop para sa pamilya at nagpapalaganap ng family values. Ang nangungunang media and entertainment na kumpanya sa bansa ang hinirang na Student Leaders’ Choice of TV Network for Promoting Family-Oriented Values sa ika-12 USTv Awards, na dinaos noong huling linggo sa loob ng UST campus.
Ito ay isa sa tatlong Choice TV Network award na tinanggap ng ABS-CBN ngayong taon mula sa USTv, na naglalayong kilalanin ang mga program at personalidad na nagpapalaganap ng Thomasian values at turo ng Simbahang Katolika.
Dalawmpu’t lima sa 34 awards na ipinabigay noong gabi ang naiuwi ng ABS-CBN, kabilang ang bigating awards na Student Leaders’ Choice of TV Network for Entertainment at Student Leaders’ Choice of TV Network for New Media.
Ang mga nanalong pro grama naman para sa Entertainment category ay pinangunahan ng Kris TV (Students’ Choice of Magazine Program), Home Sweetie Home (Students’ Choice of Comedy Program), The Voice Kids (Students Choice of Reality/Game Show), Tonight with Boy Abunda (Students’ Choice of Talk Show), at On the Wings of Love (Students’ Choice of Drama Program).
Ang mga Kapamilya stars naman na ginawaran din ng award ay sina Anne Curtis (Students’ Choice of Variety Show host), na talagang kinabaliwan ng mga manonood nang kumanta at mag-perform sa stage with the song “Halik” (Aegis); Alex Gonzaga (Students’ Choice of Reality/Game Show Host); Kris Aquino (Students’ Choice of Magazine Program Host); at Boy Abunda (Students’ Choice of Talk Show Host).
Pinarangalan din sina Atom Araullo (Students’ Choice of Social Media Personality at Student Leaders’ Choice of TV Personality), Gretchen Ho (Students’ Choice of Personality for Social Media Development) at Dyan Castillejo (Students’ Choice of Sports Program Personality).
Samantala, bukod sa mga nabanggit na na awardees sa taas, pinangaralan din ang #Nazareno2015 (Students’ Choice of Social media Campaign for Catholic Formation) sa new media category. Kasama rin nito ang #TrafficPatrol (Students’ Choice of Social Media Campaign for Social Action), #CourtesySeries (Students’ Choice of Social Media Campaign for Socio-Cultural Development), “Justice for Pamana” ng Matanglawin (Students’ Choice of Social Media Campaign for Environmental Protection), #Halalan2016 (Students’ Choice of Public Service Announcement for National Election at Student Leader’s Choice of 2016 Election Awareness Program).
Wagi rin ang “Ipanalo ang Pamilyang Pilipino” campaign (Student Leaders’ Choice of Election Station ID), Sports U (Students’ Choice of Sports Program), at TV Patrol (Students’ Choice, News Program).