Ate Guy balik-ABS-CBN, muling bibida sa MMK

Nora Aunor

Nora Aunor

FINALLY, mapapanood na ulit ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa longest drama anthology in Asia, ang Maalaala Mo Kaya. Malamang either pang-Mother’s Day presentation ito ng programa ni Charo Santos or pang-birthday episode ng MMK for Nora.

It’s been a very long time since the last time na umapir si Nora sa MMK kaya tiyak na ngayon pa lang ay inaabangan na ito ng Noranians. Pero bago ‘yan, panoorin muna ang episode tonight kung saan mas lalo pa nating makikilala ang dating Pinoy Big Brother 737 housemate at GirlTrends member na si Barbie Imperial sa pagganap niya sa kwento ng kanyang buhay.

Nakilala bilang “Doll Along Da Riles,” lumaki si Barbie kasama ang kanyang inang si Marilyn (gagampanan ni Aiko Melendez) na mag-isang tinataguyod sila ng kanyang kapatid.
Ngunit lingid sa kaalaman ni Marilyn, hinahanap ni Barbie ang kalinga at pagmamahal ng kanyang ama na si Nelson habang lumalaki siya. Akala ni Marilyn ay sapat na ang pagmamahal na naibibigay niya kay Barbie, hanggang sa sumali ang dalaga sa PBB upang dito ay maipahayag niya sa kanyang ama ang kanyang pangungulila.

Kasama rin sa MMK episode na ito sina Ashley Sarmiento, Carlos Morales, Lance Lucido, Paolo Santiago, Dianne Medina, Joj Agpangan, EJ Jallorina, Mikylla Ramirez, Cheska Billiones at Lowell Conales, sa direksyon ni Dado Lumibao at sa panulat ni Benson Logronio.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable channel 167).

Read more...