Alaska Aces, Meralco Bolts mag-uunahan sa 2-1 semis lead

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
7 p.m. Meralco vs Alaska
(Game 3, best-of-five semifinals)

MAG-UUNAHAN ang Meralco Bolts at Alaska Aces sa pagkuha ng 2-1 bentahe sa Game Three ng kanilang 2016 Oppo PBA Commissioner’s Cup best-of-five semifinals ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Ang salpukan ng Alaska at Meralco ay gaganapin alas-7 ng gabi.

Nakauna ang Aces sa kanilang semis matchup noong Lunes ng gabi, 97-94, bago nagawang itabla ng Bolts ang kanilang serye sa 1-all noong Miyerkules ng gabi matapos manaig, 92-87.

Bumida sa Game 2 panalo ng Meralco si Jared Dillinger na gumawa ng 20 puntos kabilang ang dalawang krusyal na 3-pointers sa ikaapat na yugto.

Maliban kay Dillinger, sasandigan ni Bolts coach Norman Black sina Arinze Onuaku, Chris Newsome, Cliff Hodge, Reynel Hugnatan at Jimmy Alapag para makuha ng koponan ang panalong maglalapit sa kanila sa pagkubra ng silya sa Finals.

Aasahan naman ni Alaska mentor Alex Compton sina Rob Dozier, Calvin Abueva, Cyrus Baguio, Chris Banchero, Sonny Thoss at RJ Jazul para makubra ng Aces ang ikalawang panalo.

Read more...