Duterte ikinumpara ng netizenkay Kristo; Mas ‘makapangyarihan’ daw

RODRIGO DUTERTE

RODRIGO DUTERTE

NAWINDANG kami ni Papa Ahwel Paz nang may mabasa kaming post ng isang netizen comparing this dirty-mouthed Rodrigo Duterte to Jesus Christ.

Imagine, sabi niya mas mabuti pa raw si Duterte kay Hesus dahil hindi raw nasugpo ni Jesus ang kriminalidad sa mundo pero si Duterte ay kaya raw sugpuin ang droga at kasamaan sa loob lamang ng 3-6 months.

Oh no! Napaniwala talaga nitong idolo ninyong walang pakundangan sa kaelyahan at kabastusan ang bunganga na malilinis niya ang bansa sa loob ng 3 to 6 months and even our dear Lord Jesus Christ is now being compared to him. This is not right anymore – very, very wrong!

God forbid! This is very demonic na. Tuluyan na akong nawalan nang gana kay Duterte na ito. Para silang mga dating AlDub fanatic na kapag di nila nagustuhan ang komento mo sa kanila ay makakaranas ka ng bullying at threats.

Di ba’t kamakailan lang ay tinakot si Karen Davila ng mga supporters ni Duterte, ang sabi’y papatayin nila si Karen at mga anak nito. Kaya napilitan maglabas ng official statement si Duterte appealing to his supporters na huwag saktan ang kahit sinong journalist. Nakakabaliw sila – mga bobo’t kalahati talaga.

Maraming mga taga-industriya namin ang nabola rin nitong si Duterte. Wala naman tayong magagawa dahil iyon ang paniwala nila – that Duterte is the solution to our problems. They don’t even realize na binola lang sila ng napaka-aroganteng mamang ito.

Dati gusto namin siya pero mula nang murahin niya ang Santo Papa, pagnasaan ang isang babaeng patay na, etcetera, we lost our respect to him. As in, our whole respect for him is GONE!

Kaya we are praying na huwag siyang manalo dahil pag nagkataon, lalong gugulo ang bansa natin.

Magiging bastos ang karamihan sa mga kabataang lalaki under his regime.

“Dati ay kasama kami sa close circle of advisers niya (Duterte). Kaya lang, we had to leave him dahil wala naman siyang platform sa governance niya. Tinanong kasi namin siya kung ano ang gagawin niya aside from killing drugs pushers, wala naman siyang distinct answers.

“Hindi naman puwedeng iyon lang ang gagawin niya – ang pumatay nang pumatay. Tinatanong namin siya kung ano ang puwede niyang gawin para sa ikauunlad ng bansa and he says his answers in generics.

“Matagal na kasi ang mga generic answers ng mga pulitiko, lahat iyan mangangako lang. We thought kasi na meron siyang magandang plano for the Filipino people, eh wala naman siyang konkretong sagot. Ano ang gagawin natin, magpatayan na lang pag siya na ang nakaupo?” sabi ng isang kaibigan naming very close pala dati sa grupo ni Duterte.

Sabi nila hindi corrupt si Duterte – kahit sa pananamit niya ay masang-masa raw. Nakabarong na ang lahat pero siya nakaordinaryong t-shirt lang kaya ang dating sa tao ay relate na relate sila. Pero lingid sa kaalaman nila that this man is very rich sa totoong buhay.

Imagine, kahit simple lang kuno ang bahay nito sa Davao, sa likod nito ay may sarili siyang golf course?

May sariling helipad? At totoo rin ba na milyun-milyon din ang laman ng accounts nito sa banko?

Sinong maniniwalang mahirap lang iyan after being mayor ng ilang dekada sa Davao. Sige nga pakisagot! Kaloka kayo!

Read more...