Bea, Gerald posibleng magkainlaban uli

BEA ALONZO AT GERALD ANDERSON

BEA ALONZO AT GERALD ANDERSON

TULOY na pala ang movie na pagsasamahan nina Bea Alonzo and Gerald Anderson.

Kasado na ang pelikulang first time nilang pagsasamahan na ididirek ni Dan Villegas. Actually, nagkaroon na ng story conference kamakailan ang dalawa.

According to Bea, meron na sanang project na silang dalawa ang magbibida noon pero hindi ito natuloy.

“Excited ako kasi parang matagal na. Laging almost dapat magtatrabaho kami pero ngayon lang talaga natuloy. Baka ito yung tamang timing,” say niya sa isang interview na lumabas sa isang website.

Naging magdyowa sina Bea at Gerald noon. Actually, it happened after Gerald broke up with Kim Chiu.

Ayun, na-bash nang husto si Bea kaya naman mas minabuti na lang niya na layuan si Gerald. Ito ay ‘yung bago pa naging dyowa ni Gerald si Maja Salvador na nauwi rin sa hiwalayan.

Now na they will be doing a movie together, siguro nama’y limot na ng fans ni Kim ang short-lived romance ni Bea kay Gerald. Isa pa, matagal na ang hiwalayan nila, years ago pa ‘yon kaya baka nalimot na ‘yon ng fans ng Kimerald.

Pero ang tanong, will love rekindle now that they’re poised to do a movie together? Magkabalikan kaya ang dalawa?

Read more...