Maine nahipuan ng manyak sa sugod bahay ng ‘Bulaga’

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

GALIT na galit daw si Alden Richards dahil nahipuan si Maine Mendoza sa isang barangay para sa isang segment ng noontime show nila.

As reported, iyak daw nang iyak si Maine matapos siyang mahipuan nang mag-cover sila sa isang barangay na hindi naman pinangalanan.

Photos of Maine na mugto ang mata at halatang kagagaling lang sa iyak ang naka-post sa FB account ng isang female supporter. Galit na galit daw si Alden nang malaman niya ito.

Ang tanong, where was Maine’s younger brother who now acts as her personal bodyguard nang mangyari ang panghihipo? At ano rin ang ginagawa ng sandamakmak na burly bodyguards na bigay sa kanya ng noontime show niya?

Does this mean na may kapabayaang nangyari? Anong klaseng bodyguards ang mga ‘yan?

Anyway, ang suggestion ng female fan ni Maine ay ibalik na lang sa Broadway si Maine para makaiwas na sa ganitong senaryo. Sa comment section ng web site, nagtalo-talo ang AlDub fans.

“Kababae kasing tao pinapalarga nilang ganyan ang init pa. Dapat sa studio nalang siya. Si Alden ibilad niyo,” wailed one fan.

“Matagal nang nag prisinta si Alden na sya na lang sa brgy last year pa kaya lang mas gusto ni Meng kasi nandoon mga kaibigan nya. Yung episode na nahampas sya ng babae dahil sabik kay Alden. hay naku mema lang,” sagot naman ng isang supporter.

“Tard spotted. Halatang OSF tard. Alam mo ba kung bakit nasa Broadway si Alden? Dahil host sya ng Classroom Superstar segment dun. Wag mo idamay si Alden. Discretion ng EB yan kung saan ilalagay si Maine. Gamitin mo utak mo wag kuda ng kuda,” mataray na comment naman ng isa pa.

“Ano ba ginagawa ng security ni Meng jan? andami at anlalaki nila dun ha? dpat parusahan yung nanghipo para madala at di na hipuan ang ibang babae, Kapal ng mukha ng gumawa sa kanya nun.

Kapitan san kana ha? ppuntahan kita,” one fan reacted.

Oo nga. Dapat ipakita sa noontime show na nahuli ang nanghipo kay Maine para maparusahan. At dapat malantad din kung saang barangay ‘yan para maiwasan na ‘yang lugar na ‘yan.

Read more...