Grace, Lovi nagsama sa Mindanao para sa alaala ni FPJ

grace poe

For the first time, nagsama sa kampanya sa Cagayan de Oro City kamakailan ang mag-sisteraka na sina Sen. Grace Poe at Lovi Poe. Tama lang daw na nangyari ang kanilang unang pagsasama sa Mindanao bilang pasasalamat sa pagmamahal ng mga tagaroon sa kanilang namayapang ama na si Da King Fernando Poe, Jr..

Legendary ang pagmamahal ng mga taga-Mindanao kay FPJ nang nabubuhay pa ang Hari ng Pelikulang Pilipino. May mga kwento nga na sa sobrang pagkapanatiko ng ilang taga-Mindanao noong araw kay FPJ, binabaril pa raw ang screen ng sinehan kapag namamatay si Da King sa palabas na pelikula.

“Hindi mo kailangan na ikaw ay ipanganak sa Mindanao para mahalin ang Mindanao. Pangako ko sa alaala ng aking ama na ‘pag ako’y maging pangulo, hinding-hindi ko sisirain ang kanyang pangalan,” sey ni Grace sa kaniyang talumpati.

Samantala, bilang ampon nina Da King at Ms. Susan Roces, alam ni Sen. Grace ang pinagdadaanan ng kaniyang mga kapwang lumaki sa hindi tunay na mga magulang. Nandiyan ang pambu-bully sa school at kung anu-ano pang masamang karanasan dala ng pagiging ampon.

“‘Pag pumapasok ka sa school, sasabihin sa’yo: ‘Anak ka ba talaga ni FPJ? Bakit ang liit mo?’ O kaya ‘anak ka ba talaga ni Susan Roces? Bakit ganyan ang hitsura mo?’” sey ni Grace sa isang political rally sa Rosales, Pangasinan.

“Kaya bata pa lang ako, nakikita ko na para bang medyo iba. ‘Nung nalaman ko na (ampon ako), sabi ko pag-iigihan ko ang aking pag-aaral, magsisikap ako para mabigyan ko ng karangalan ang aking mga magulang,” dagdag ng senadora.

Sabi pa nito, lubos siyang nagpapasalamat at itinuring siyang tunay na anak ng Hari at Reyna ng Pelikulang Pilipino, “Wala namang problema dahil ang aking nanay at tatay na si FPJ at Susan inalagaan ako at trinato akong tunay na anak.

Hindi naman ako nagduda sa kanilang pagmamahal, binigay nila sa akin lahat ng oportunidad.”
Si Grace ay napulot sa simbahan ng Jaro, Iloilo noong Sept. 3, 1968. Marahil inabandona siya ng kaniyang mga tunay na magulang dahil sa kahirapan ng buhay. Siyempre, gusto pa rin niyang makilala ang tunay niyang magulang.

Read more...