Mabuti pa si Trudeau | Bandera

Mabuti pa si Trudeau

Arlyn Dela Cruz |April 28,2016
facebook
share this

Mabuti pa si Trudeau

Arlyn Dela Cruz - April 28, 2016 - 03:00 AM

TIMING is everything especially for someone like a head of state in responding to crisis.

Ang pagsasalita nang maagap at klaro, naayon sa sitwasyon ay ginagawa hindi dahil sa public image o press release purposes. Ginagawa ito dahil sa atas ng tungkulin at malasakit. Ginagawa ito dahil sa nasaktan halimbawa ang lider o pinuno ng bansa sa isang malagim na pangyayari na nangyari kasunod ng utos niyang iligtas ang mga bihag na karamihan ay dayuhan na nasa kamay pa rin ng grupong ilang linggo lang ang nakaraan ay nagbantang gagawin nila ang pamumugot ng isa sa kanilang mga dayuhang bihag.

Nauna ang raw information. Hapon pa lang, nagsimula nang kumalat ang mga text messages tungkol sa pagpugot sa Canadian national na si John Ridsdel, 68.

Wala mula sa pulisy o sa military ang gustong magbigay ng kumpirmasyon.

Ang Punong Ministro ng Canada na si Justin Trudeau ang nagbigay ng kumpirmasyon kung ano ang sinapit ni Ridsdel.

Ang source niya ay ang walang agam-agam na pahayag ni dating senador at Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon.

Sabi ni Trudeau, “act of cold blooded murder” ang ginawa ng Abu Sayyaf na hayagang nagpapahayag na ng alyansa sa grupong IS o ISIS.

Nagbigay din naman ng pahayag si Pangulong Aquino pero sa pamamagitan ng kanyang Communications Secretary. Pero, inabot pa ng magdamag.

Magtatanghaling tapat na ng Abril 26 nang maglabas ng pahayag si Communications Secretary Sonny Coloma.

“Full force of the law” ang tugon ng Palasyo laban sa Abu Sayyaf dahil sa nangyari kay Ridsdel, at kasabay ng pangakong ililigtas ang 25 iba pang bihag.

Ito sana ang tamang pagkakataon at tamang panahon para magsalita ang pangulo.

I believe what happened to Ridsdel demands no less than a direct public statement and condemnation from President Aquino himself. Hindi ginawa ni Pangulong Aquino, pero ginawa ni Trudeau.

Naipadama niya ang malasakit at galit sa pangyayari ng isang pinuno.

Sabagay iba-iba naman ang leadership style tulad ng magkakaiba naman ang personalidad ang bawat pinuno ng bansa. At ano pa naman ba ang hahanapin natin na maagap na pahayag at aksyon gayong higit sa 60 araw na lamang ang nalalabi sa puwesto ni Pangulong Aquino.

By this time, we already know his leadership style and we are already familiar with how he responds to crisis.

Napansin ko lang uli, kasi ginawa ng Prime Minister ng Canada ang inaasam kong sana ay ginawa agad ni Pangulong Aquino.

Hindi mamamayang Pilipino ang nasawi, ang pinugutan ng ulo, ngunit ang karumal-dumal na krimen ay nangyari sa Pilipinas, sa panahon ng kanyang pamamahala, sana man lang ay naging mabilis ang pagsasalita tungkol dito, lalo na ang pag-kilos para mailigtas ang mga bihag.

Sa nalalabing higit na 60 araw sa pwesto, ano pa ba ang magagawa para isakatuparan ang pangako ng Malakanyang na “full force of the law?”

Sana huwag itong balewalain. Mahirap ang maging bihag, hindi kayang ipaliwanag ang agam-agam na dulot ng araw-araw na paghihintay at pagharap sa araw-araw na banta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iligtas ninyo ang mga natitirang bihag. Totoo ang banta sa kanilang buhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending