Napakainutil ng gobyerno | Bandera

Napakainutil ng gobyerno

Ramon Tulfo - April 28, 2016 - 03:00 AM

NAPAKAINUTIL ng gobyernong ito dahil hindi nito kayang masupil ang Abu Sayyaf, isang maliit na grupo ng mga bandidong Moro, even if it has the resources at its command!

Pinugutan ang Canadian na si John Ridsdel —na dinukot ng Abu Sayyaf sa Samal Island sa Davao kasama ang tatlong iba pa—kahit na inalok na sila ng P20 milyon para sa kanyang kalayaan.

Inayawan ng Abu Sayyaf ang alok; gusto nila P300 milyon ang ransom bawa’t isa sa tatlong bihag na banyaga at isang Pinay.

Gaya ng dati, nagpahayag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na inyu-neutralize nila ang Abu Sayyaf.

Gaya ng dati, nagbigay ng kautusan si Pangulong Noynoy na habulin ang grupo at iligpit lahat ang mga miyembro nito.

P^%$#@*& n’yo! Makailang beses na ba kayong nagbigay ng ganoong pahayag kapag may nabibihag na foreigner o napapatay na mga sundalo?

Baka namamatay sa katatawa ang mga Abu Sayyaf dahil sa narinig nilang kahambugan ng gobyerno na wala namang katuturan.

Kailangang laruin ng gobyerno ang larong ginagawa ng Abu Sayyaf.

Kung may kinidnap silang inosenteng sibilyan, kidnapin din ang kanilang mga malalapit na kamag-anak at pakakawalan lamang kapag pinakawalan na nila ang mga bihag.

Kung pinugutan nila ang kanilang bihag, dapat ay pugutan din ang kanilang kamag-anak.

Kung nilapastangan nila ang babaeng bihag, dapat ay lurayin din ang kanilang kamag-anak.

Kung ginawa ng gobyerno ang mga nabanggit noong hindi pa matagal na panahon, bakit hindi magawa ang mga ito ngayon?

Bilang na ang mga araw ni Supt. Angelo Germinal sa serbisyo.

Nai-feature ng column na ito si Germinal noong Martes dahil sa kanyang pagkakabalik sa serbisyo matapos siyang madismis sa kanyang walang awang pagpatay sa isang bata?

Sinabi ni Roger Casurao, vice chairman at chief executive officer (CEO) ng National Police Commission (Napolcom), ibabasura nila ang motion for reconsideration ni Germinal.

Nakabalik si Germinal sa pulisya, ayon sa Napolcom, dahil inapela nito ang kanyang dismissal.

Sa madaling sabi, magiging final and executory ang dismissal ni Germinal.

Binaril ni Germinal ang 13-anyos na si Christian Serrano na namumulot ng makakalakal sa isang abandonadong gusali sa Makati .

Tinulungan ng “Isumbong mo kay Tulfo” na makasampa ng kasong administratibo ang pamilya ng batang pinatay.

Dahil dito ay dinismis si Germinal at ang pulis na si PO3 Robert Rinon sa salang grave misconduct.

Sa hindi malamang dahilan, nakabalik si Germinal sa serbisyo.

Hindi lang naibalik si Germinal sa serbisyo, itinaas pa ang kanyang ranggo: from chief inspector to superintendent; at hepe ng maliit na presinto sa Makati noong pinatay niya ang bata, at ngayon ay deputy chief for operations ng Makati Police.

Humina rin ang kasong murder na sinampa kay Germinal sa korte dahil pinayagan siyang makapagpiyansa kahit na ang murder ay non-bailable.

Sinabi ng ilang Makati City Hall insiders na bata-bata ni dating Mayor Junjun Binay si Germinal.

Ang mga mag-anak na Binay kasi—mula kay Vice President Jojo, kanyang asawa na si Elenita, at anak na si Junjun—na naging mayor one after the other ng Makati, ay malakas sa mga court judges dahil binibigyan sila ng malalaking allowance ng mga Binay.

Ang abandonadong gusali, kung saan binaril si Christian, ay pag-aari daw ng mga Binay at ang kanilang taga bantay nito ay si Germinal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana’y maging patas ang judge na humahawak ng kasong murder ni Germinal di gaya noong judge na pumayag na makapag-piyansa ang walang kaluluwang pulis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending