DZMM may patakbo para sa Pamilyang Pilipino

MAGPAPATULOY ang taunang patakbo ng DZMM. Para sa taong ito ang fun run na tinawag na “DZMM Takbo Para sa Pamilyang Pilipino’’ ay lalarga sa Mayo 29 sa Quirino Grandstand, Lungsod ng Maynila.

Ang mga nais sumali sa 3K, 5K, 10K, at 21K race categories ay maaari nang magpa-rehistro hanggang Mayo 22 sa ABS-CBN Tulong Center sa ABS-CBN, RUNNR Stores sa Bonifacio High Street at Trinoma, at Toby’s sa Shangri-la mall at SM Mall of Asia.

Ang pondong malilikom sa fun run ay para sa edukasyon ng mga biktima ng mga bagyo tulad ng Ondoy at Sendong, sa Mega Manila at Cagayan De Oro na pinag-aaral ng DZMM.

Ito ay ika-17 taon na nagdaos ng patakbo ang DZMM.

Read more...