B-day wish ni Karla kay Daniel: Tumodo ka sa pagiging maka-Diyos!

karla estrada
Mas maging madasalin at mapagmahal sa kapwa ang birthday wish ni Karla Estrada para sa kanyang anak na si Daniel Padilla who just turned 21 yesterday.

Ayon sa isa sa mga host ng morning show na Magandang Buhay, ang greatest blessing na natanggap niya mula sa Diyos ay ang kanyang mga anak. Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda kay Karla, inamin nitong may mga pagkukulang din naman si Daniel bilang tao pero mas lamang pa rin ang kabutihan ng puso nito.

“Manatili siyang may mabuting puso, ipagpatuloy niya ‘yong maganda niyang naumpisahan at mas tumodo siya sa pagiging maka-Diyos dahil ‘yon naman ‘yon eh,” sey ni Karla nang tanungin kung ano ang wish niya sa kaarawan ni Daniel.

“Lahat ng dadaan sa ‘yong problema anak, isa lang ang makakatulong sa iyo, ang Diyos lang. Bago nga sa akin ang Diyos muna. He’s not perfect, pero lamang ang magaganda niyang traits bilang tao,” dagdag ng TV host-singer.

Read more...