Julia Montes: Kung anuman ako ngayon, dahil po ‘yun kay Coco!

By Ervin Santiago April 27,2016
share this

Julia Montes: Kung anuman ako ngayon, dahil po ‘yun kay Coco!

By Ervin Santiago April 27,2016
share this

sam milby

KUNG ano ang narating ngayon ni Julia Montes, malaking bahagi ng kanyang tagumpay ay utang niya sa Teleserye King na si Coco Martin.

Inamin ng lead star ng afternoon series ng ABS-CBN na Doble Kara na napakarami niyang natutunan kay Coco hindi lamang sa pag-arte kundi pati na rin sa personal aspect ng kanyang buhay.

“Lahat po siguro ng blessing na work sa akin, kung saan ako nag-start ng mature role, siya na po talaga ang nakasama ko kaya siya na rin po talaga ang nagturo sa akin kung paano maging eto, kung ano ang naibibigay ko ngayon sa inyo.

“Ang dami ko pong natutunan sa kanya, mapapersonal, mapa-work, lahat halos siguro po. And napakabuti po kasi niyang tao. Alam ko, nasabi ko na ito dati na wala siyang masamang tinapay. Ayun, napakabuti niyang tao,” ani Julia nang makachika ng entertainment press sa thanksgiving presscon para sa extension ng teleserye nila ni Sam Milby na Doble Kara.

Samantala, in-announce nga sa nasabing presscon na extended hanggang August ang Doble Kara, ito’y dahil na rin sa consistent high ratings na nakukuha ng serye na napapanood tuwing hapon sa Kapamilya Gold.

Kamakailan ay pumalo sa all-time high national TV rating na 19.1% ang serye. Bukod dito, kinilala rin ang galing ng Royal Prinsesa ng Drama sa mahusay niyang pagganap bilang ang kambal na sina Kara at Sara at itinanghal na Best Actress sa katatapos lang na 14th Gawad Tanglaw Awards.

Sa pagbubukas ng bagong kabanata, magiging ganap nang ina ang kambal na sina Sara at Kara. Ngunit habang nagpapakasaya si Kara kasama ang asawang si Sebastian (Sam) at anak na si Becca, mag-isa namang itataguyod ni Sara ang kanyang anak na si Hannah matapos iwan ni Edward (Edgar Allan Guzman) at hindi panindigan ang isang gabi nilang pagsasama.

Ngayon ngang may sarili na silang mga anak at ganap nang mga ina, maging daan kaya ito upang magkaayos na ang magkapatid o maging sanhi ito ng mas malalang gulo? Huwag palampasin ang panibagong kabanta ng Doble Kara, tuwing hapon pagkatapos ng It’s Showtime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending