KINONDENA ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang pagpugot ng Abu Sayyaf sa isa sa dalawang Canadian national na dinukot ng bandidadong grupo, kasama ang isang Pinay at Norwegian national sa Samal Island, Davao Del Norte noong Setyembre, 2015.
Kinumpirma ni Trudeau na ang Canadian national na si John Ridsdel, 68 ng Calgary, Alberta ang siyang pinugutan ng teroristang grupo.
Bukod kay Ridsdel, hawak pa rin ng Abu Sayyaf ang isa pang Canadian na si Robert.
Dalawang riding-in-tandem ang nag-iwan ng ulo ni Ridsdel, na nakalagay sa isang plastik bag, sa kahabaan ng isang kalsada sa Jolo, Sulu, bago tumakas.
Nauna nang nagbanta ang Abu Sayyag na papatayin ang isa sa mga hawak na bihag kung hindi maibibigay ang ransom na nagtapos noong alas-3 ng hapon noong Lunes.
Tiniyak ni Trudeau na makikipagtulungan ang gobyerno sa Pilipinas para mahuli ang mga Abu Sayyaf.
Trudeau kinondena ang pagpatay ng Abu Sayyaf sa kanyang kababayan
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...