Nadine takot sa fans ni James: Baka sabunutan na lang ako!
INAMIN ni Nadine Lustre na natatakot pa rin siyang lumabas mag-isa dahil sa dami ng fans at ng mga babaeng nagkakagusto sa kanyang boyfriend na si James Reid.
Sa JaDine In Love Special na ipinalabas sa ABS-CBN last Sunday, sinabi ni Nadine na, “Minsan natatakot pa rin akong lumabas kasi feeling ko may sasabunot sa akin anytime.
“Kasi you won’t believe kung gaano kagrabe ‘yung iba pong supporters sa kanya. Like they would go crazy just to ask for a photo and just to see him. So parang nakakatakot baka awayin ako or something,” dagdag pa ng dalaga.
Ayon naman kay James, ang isa sa mga hindi niya malilimutan sa kanilang London tour ni Nadine ay ang pagkikita nila ng kanyang inang si Ella McDonald na halos isang taon niyang hindi nakita at nakasama.
Sabi ng mama ni James, “Before I left nagkita kami pero 20 minutes lang. ‘Yun lang because I had to go to the airport na. Kaya naiyak ako kasi I haven’t seen my son for a long time. Very proud mom. Happy. Overwhelming.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.