Vice, Aiza inokray si Binay sa huling debate, walang bagong pasabog | Bandera

Vice, Aiza inokray si Binay sa huling debate, walang bagong pasabog

Ervin Santiago - April 26, 2016 - 02:00 AM

AIZA SEGUERRA AT VICE GANDA

AIZA SEGUERRA AT VICE GANDA

TINUTUKAN at ninamnam din ng mga sikat na celebrities ang huling PiliPinas Presidential Debates nitong nakaraang Linggo na ginanap sa PHINMA University of Pangasinan in Dagupan City.

Talagang inabangan ng paborito n’yong mga artista ang nasabing debate na umere sa ABS-CBN with Karen Davila and Tony Velasquez as moderators.

Muling nagharap-harap ang limang presidentibles na sina Vice-President Jejomar Binay, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Sen. Miriam Defensor-Santiago, Sen. Grace Poe at dating DILG Sec. Mar Roxas para sagutin ang iba’t ibang tanong mula sa taumbayan na may kinalaman sa mga pangunahing problema ng bansa.

Kapansin-pansin ang pang-ookray nina Aiza Seguerra at Vice Ganda kay Binay na wala naman daw malinaw na plataporma para sa mga mahihirap na Filipino.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Vice ng maikling mensahe laban sa bise-presidente, “Ang daming nasasabi ni Binay na nagawa nya nung Mayor sya ng Makati. Ba’t di nya kaya ibida ung nagawa nya nung BisePresidente sya ng Pinas?”

Hirit naman ni Aiza na isang kilalang tagasuporta nui Duterte, “Pumayat na si Binay sa kakalakad. Try ko nga rin.”

Para naman kay Bianca Gonzales, si Mar ang talagang nag-shine sa huling debate ng mga presidentiables, anito, “Sa akin lang.. Mar won the debate rounds, and Grace gave the best closing statement.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending