NAKAKATAWA itong si Daniel Pdilla dahil nang tanungin ni Robi Domingo kung ano ang gusto niyang ma-achieve when he turns 21 ay ito ang sagot niya, “Gusto ko nang magkaanak! Ha-hahaha!”
Hiyawan ang mga tao. Di ko lang alam kung naipalabas ito sa TV. “Nagulat kayo, ‘no? Hindi niyo ini-expect na sasabihin ko iyon, ‘no? Ha-hahaha!” biro pa rin ni DJ.
It was a fun event na dinaluhan ng big wigs ng Star Music like Tita Malou Santos, Roxy Liquigan, Jonathan Manalo, etcetera. The event was directed for TV by Mr. M (Johnny Manahan).
Congrats sa lahat ng nanalo at sa mga hindi pinalad, it’s not the end of the world. You are all splendid!
“At least nakapasok tayo sa Top 5, ‘Nay! Malaking blessing na iyon. Ang gagaling ng mga kalaban kaya sabi namin ni Angeline, ibigay na natin lahat, itodo na natin and thank God, naitawid naman namin nang maayos,” humbly says our Harana Prince.