Heart nagpakaastig sa ‘Lip Sync Battle’ kaya nagwagi

HEART EVANGELISTA

HEART EVANGELISTA

TINALBUGAN ni Heart Evangelista ang kapwa Kapuso actress na si Rhian Ramos sa pagsasagupa nila sa Lip Sync Battle Philippines nitong nagdaang weekend sa GMA 7.

Kabog talaga ang performance ni Heart lalo na nang i-lip sync niya ang hit classic song ni Queen of Pop Madonna na “Vogue.”

Nag-Bonnie Tyler naman si Rhian at ni-lip sync ang hit song nitong “Total Eclipse of the Heart.” Sa Round 2, binirit ni Heart ang makasaysayang “Halik” ng Aegis samantalang si Rhian naman ay nagpakitang-gilas with the song “Lord, Patawad” ni Bassilyo.

Masayang-masaya si Heart sa pagkapanalo niya sa musical reality competition ng GMA dahil first time daw niyang nagwagi sa ganitong contest.

“Ang saya-saya lang. I’ve never won anything in my life before. Nakakatulong talaga na kailangan lang positive, happy, happy lang. Paulit-ulit na ko but it’s true. Kailangang ine-enjoy mo lang ang lahat sa buhay mo,” chika ni Heart.

Talagang hindi maka-get over ang aktres sa kanyang winning moment at nag-post pa sa Instagram ng kanyang photo holding her championship belt.

“Grabe di ko talaga akalain! Maraming salamat sa lahat ng mga kaibigan, heartworld, sa mga nanood, sa staff, sa lahat ng dancers! Maraming maraming salamat! This was unexpected and truly a happy moment for me,@whianwamos you were amazing and thank you for always making me smile!
“Love you missy! I hope you guys enjoyed my ‘vibrate mode’. Hehehe! Pretty fun stepping out of my comfort zone. Ahhhhhhhh I won!” sey pa ni Heart sa caption ng kanyang IG photo.

Samantala, nito ring nakaraang weekend ay nakitakbo si Heart sa mga supporters ng kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero na nag-organize ng “Run with Chiz,” isang fun run para sa pagsuporta sa kandidatura ng senador.

Read more...