Binay hindi nababahala matapos bumaba ang rating ng 6 na puntos

binay
SINABI ng kampo ni Vice President Jejomar Binay na hindi pa rin ito nababahala matapos bumaba ang kanyang rating ng anim na puntos base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ni Binay na si Atty. Rico Quicho na hindi natitinag si Binay sa pagsasabing nananatiling solido ang kanyang mga tagasuporta.

“The true survey will be on the day of the elections. No amount of tweaking of results will refute the strong core support for the vice president,” sabi ni Quicho.

Ito’y matapos bumaba ang rating ni Binay sa 14 porsiyento mula sa 20 porsiyento.

Patuloy ang pagbaba ng rating ni Binay sa harap naman ng mga alegasyon ng katiwalian sa Makati.

Read more...