TUNGKOL naman sa Doble Kara ay sobrang blessed ni Sam na napasama sa serye ni Julia dahil ang ganda raw ng role niya at marami siyang natutunan sa mga co-stars niya kaya naman mas lalo niyang pinagbubuti ang pagsasalita niya ng Filipino. Sabi nga ng aktor, “Gusto kong magpakadalubhasa sa pagsasalita po ng Tagalog.”
At dahil ikinasal na nga sina Sam bilang si Sebastian at Kara (Julia) sa kuwento ng Doble Kara, magkakaroon din sila ng anak at gayun din si Sara base na rin sa trailer ng ikalawang yugto ng serye.
Pero ang tanong, anak din kaya ni Sebastian ang magiging baby ni Sara?
Kaya para hindi mahuli sa mga nabubunyag na lihim sa Doble Kara, abangan ang pagsisimula ng book 2 nito tuwing hapon mula sa direksyon nina Manny Palo, Jon Villarin at Erik Salud mula pa rin sa Dreamscape Entertainment.