PNoy ipinag-utos ang operasyon para mapalaya ang mga Samal hostages na hawak ng Abu

pnoy aquino
NAGPATAWAG si Pangulong Aquino ng security cluster meeting sa Camp Aguinaldo sa harap naman ng banta ng teroristang Abu Sayyaf na pupugutan ang isa sa apat na dinukot ng bandidong grupo sa Samal Island, Davao del Norte noong Setyembre, 2015.

“President Aquino has directed Acting AFP (Armed Forces of the Philippines) Chief Glorioso Miranda and PNP (Philippine National Police) Chief Ricardo Marquez to conduct appropriate military and law enforcement operations to effect the rescue of the hostages,” sabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma.

Ito’y matapos namang magtapos kahapon ang ultimatum na ibinigay ng Abu Sayyaf kung saan humihingi ang teroristang grupo ng $13 milyong ransom kapalit ng kalayaan ng dalawang Canadian na kasama sa apat na dinukot.

Sa isang video na inilabas ng Abu Sayyaf, humihingi ang teroristang grupo ng tig-$6.5 milyon o tinatayang P300 milyon para sa dalawang Canadian na sina John Ridsdel at Robert Hall.

Dinukot sina Ridsel at Hall kasama ang Pinay na si Marites Flor at Norweigian na si Kjartan Sekkingstad, ang manager ng Ocean View Samal Resort.
“Maximum efforts are being exerted by a joint AFP-PNP task group to effect the rescue of four hostages,” dagdag pa ni Coloma.

Aniya, pinaigting na rin ang operation laban sa Abu Sayyaf sa Basilan at Sulu sa nakalipas na mga linggo.

“The local authorities are instructed to extend cooperation to the joint task group and ensure the safety of citizens in the affected communities,” ayon pa kay Coloma.

Read more...