Palasyo itinanggi ang kumalat sa social media na may kodigo si Roxas sa huling debate

JOJEMAR BINAY, RODRIGO DUTERTE, GRACE POE AT MAR ROXAS

JOJEMAR BINAY, RODRIGO DUTERTE, GRACE POE AT MAR ROXAS


ITINANGGI ng Palasyo ang mga kumalat sa social media kung saan sinabing may kodigo umano si dating Interior secretary Mar Roxas kayat preparado ito sa mga sagot sa huling debate ng mga tumatakbo sa pagkapangulo na ginanap sa Dagupan City.

Sa isang text message, sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na ipinaalam naman sa limang kandidato ang mga isyu na tatalakayin sa debate.

“Ang problema kay Digong at ang team nya, mahilig sa soundbite at tamad mag research, hindi nya alam na sarili nyang Davao City, nakikinabanang sa Philhealth,” sabi ni Lacierda.

Ito’y matapos namang magkainitan sina Roxas at Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa nangyaring debate matapos namang sabihin ng huli na hindi nagbebenepisyo ang kanyang lungsod sa programa ng Philhealth.

Kinontra naman ito ni Roxas kasabay ng hamon kay Duterte na umurong sakaling mapatunayan niya na nagbebenepisyo ang Davao City sa libreng Philhealth membership ng pamahalaan.

“Medyo malalim ang kaalaman ni Mar, si Digong at Binay, local government experience lang ang merun. So, sa mga undecided po na mga voters, the third debate presented an opportunity to see who among the presidentiables will be able to lead our country forward, not just soundbites, and without corruption,” giit ni Roxas.

Read more...