‘Rape joke’ dinedma, Duterte hataw sa bagong SWS survey
HINDI nagpatinag si Davao City Mayor Rodrigo Duterte at nanguna pa rin sa pinakahuling survey ng Social Weather Station na ginawa sa kasagsagan ng kontrobersyal na rape joke nito.
Mula sa 27 percent voter preference rating noong Marso 30 hanggang Abril 2 face to face SWS survey, umakyat si Duterte ng anim ng puntos sa ginawang survey noong Abril 18 hanggang 20. Nasa 33 percent na ngayon ang alkalde. Sa nasabi ring survey, lalo pang bumaba ang suporta para kay Vice President Jejomar Binay. Mula sa dating 20 percent ay 14 na lang.
Samantala, nasa ikalawang pwesto pa rin si Senador Grace Poe na napanatili naman ang kanyang voter preference rating sa 24 percent mula sa 23 percent.
Nag-improve naman ang rating ni dating Interior Secretary Mar Roxas ng isang punto mula sa dating 18 ay 19 na ngayon.
Bumaba ng isang punto si Sen. Miriam Defensor Santiago mula sa dating 3 ay 2 na lamang ngayon.
Ginawa ang survey sa may 1,800 “validated” voters. Matatandaan na ginawa ni Duterte ang kontrobersyal na rape comment noong Abril 12 at naging viral noong Abril 17.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
