Roxas hinamon si Duterte na umatras
Nagkainitan ang administration presidential aspirant na si Mar Roxas at Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa isyu ng pagpapagamot sa mga mahihirap.
Ayon kay Duterte gagamitin niya ang pondo ng Philippine Amusement and Gaming Corp., para pondohan ang pagpapagamot ng mga mahihirap.
Sagot naman ni Roxas ginagawa na ito ng gobyerno at noong nakaraang taon ay gumugol umano ang PAGCOR ng P75 bilyon na ipinantustos sa mga pagpapagamot ng 6.5 milyong pasyente.
Sinabi naman ni Duterte na hindi ito nararamdaman patay na umano ang kanyang nais na ipagamot dalawang taon na ang nakakaraan.
Hinamon naman ni Roxas si Duterte na umatras kung mapatunayan niya na mayroong mga taga-Davao City na nakapagpagamot gamit ang pondo ng PAGCOR.
“Kung may mapapakita akong tao, pangalan, ospital na talagang natulungan sa Davao City ikaw ba ay aatras,” ani Roxas.
“Ito ang hamon ko, simpleng simple,… may mapapakita ako aktwal, naka-video na natulungan ng PhilHealth sa Davao City libu-libo po yan, sinabi niya aatras siya tignan natin kung tutuparin niya,” ani Roxas.
Pinutol naman ang sagutan ng dalawa at pinagsalita na ang iba pang kandidato sa isyu ng kalusugan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
