SUNSHINE CRUZ naimbiyerna sa press, wag na raw sana silang pakialaman ni CESAR

sunshine cruzPagkatapos ibandera ang relasyon ni mister sa isang starlet

Nakakaloka ang mga artista.

Sila ang unang puputak at maglalabas ng mga detalyeng pribado tungkol sa kanilang buhay, pero kapag sinulat at inopinyunan na ‘yun ng mga magnunulat, sila rin ang biglang babawi at magsasabing huwag daw silang pakialaman sa problemang pinagdadaanan nila.

Tulad na lang ni Sunshine Cruz, siya ang nagpasimuno sa paglalabas ng mga kuwento tungkol sa diumano’y pangangaliwa ng kanyang mister, isang nagngangalang Krista Miller ang pinag-iinitan ng aktres.

Kesyo makapal daw ang mukha ng babae dahil pati ang mga regalo niya kay Cesar nu’ng Pasko ay ipinost pa nito sa Instagram, kesyo paano raw kaya nasisikmura ni Krista ang pakikipagrelasyon sa isang taong pamilyado na, at kung ano-ano pang panghuhusga.

Nang pagpistahan na sa mga pahayagan ang kanyang tweets ay heto ngayon si Sunshine, nakikiusap na sana raw ay huwag na silang pakialaman pa ng mga manunulat, sila na lang daw ang pabayaan ng mga reporters na umayos sa kanilang problemang personal.Ganu’n? E, teka lang naman muna, sino ba ang unang-unang naglabas ng mga kuwento tungkol sa pambababae ng kanyang mister, sino ba ang agad na nagkomento ng kung ano-ano sa kanyang Twitter account?

Kung minsan talaga ay mahirap ispilengin ang mga personalidad na ito.

Sila ang unang-unang nagbubuyangyang ng kanilang personal na buhay, parang wala nang bukas pa sa kanilang mga pinagsasasabi, pagkatapos ay ang mga manunulat pa rin ang kanilang sisisihin sa bandang huli?

Aysus naman!

Read more...