Huling debate rumatsada | Bandera

Huling debate rumatsada

Leifbilly Begas - April 24, 2016 - 07:26 PM

CgzLnigVEAAPCGB Sa ikatlo at huling pagkakataon ay muling nagharap-harap ang limang kandidato sa pagkapangulo kahapon sa Pilipinas Debate sa University of Pangasinan. Ito naman ang unang pagkakataon na sumali sa debate si Sen. Miriam Defensor Santiago at humarap kina Sen. Grace Poe, Vice President Jejomar Binay, Davao City Mayor Rodrigo Duterte at administration candidate na si Mar Roxas. Ang lima ay hinayaan muna na maglahad kung ano ang mangyayari sa ating bansa pagkatapos ng kanilang termino sa 2022 at lahat ay nangako ng magandang kinabukasan para sa mga Pilipino. Muling inulit ni Duterte na kanyang sinabi noon na kokopyahin ang plataporma ng kanyang mga katunggali. “Sanay naman ako mangopya, grade 1 palang nangongopya na ko.” Ang unang tanong ay kaugnay ng West Philippine Sea kung saan sinabi ni Duterte na handa siyang pumunta sa China para igiit ang pagmamay-ari ng bansa sa inaagaw nitong mga isla. “Matagal ko ng ambisyon na maging hero, pag pinatay nila ako dun bahala na kayong umiyak dito,” ani Duterte. Sinabi naman ni Santiago na napakadaling sabihin na gerahin ang China, ‘pano kung matalo ang China ano ang ipapakain natin sa kanila.” Ayon naman kay Poe parang nasa paaralan ang sitwasyon ng Pilipinas na kinumpara niya sa Grace 1 na binubully sa China. “Yung iba nating mga allies nasa high school, gusto tayong tulungan, gusto tayong tayuan. Pwede nating hingin ang kanilang tulong basta wala tayong isinu-surrender sa kanila na ating sovereignty o kalayaan dahil hindi naman natin pwedeng isugal din ang buhay ng ating mga Navy,” ani Poe. Trapik naman ang sumunod na isyu kung saan sinabi ni Poe na dapat magkaroon ng disciplina ang publiko upang walang maging sagabal sa daloy ng trapiko. Magtatalaga rin umano si Poe ng traffic terminator na walang gagawin kundi bantayan ang mga proyekto kaugnay ng transportasyon. Hirit naman ni Roxas ang mga pangako ng kanyang mga katunggali ay ginagawa na ng administrasyon na kanyang ipagpapatuloy. Ayon naman kay Binay hahatiin niya ang Department of Transportation and Communication. Sinabi naman ni Roxas na ibabalik niya ang transportation programs sa Department of Public Works and Highways para magkakatugma ang mga plano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending