Senatorial bets ng Daang Matuwid nangunguna sa survey

tito sotto
Pito sa 12 kandidato sa pagkasenador ng maka-administrasyong Team Daang Matuwid ang pasok sa Magic 12 ng senatorial survey ng Pulse Asia na ginawa para sa ABS-CBN 2.
Pero nanguna ang kandidato ng Partido Galing at Puso na si Sen. Tito Sotto sa listahan. Siya ay nakakuha ng 49.1 porsyento.
Sumunod naman ang mga kandidato ng Daang Matuwid na sina Sen. Franklin Drilon (47.6 porsyento), dating Sen. Kiko Pangilinan (43.8), dating Sen. Panfilo Lacson (39.9).
Pang-lima naman si dating Sen. Juan Miguel Zubiri (39.4 porsyento), Sarangani Rep. Manny Pacquiao (39), dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros (35.9), Sen. Serge Osmena (35.8), dating Technical Education Skills and Development Authority secretary general Joel Villanueva (35.6), Sen. Ralph Recto (35.4).
Pang-11 naman si dating Sen. Dick Gordon (35.2) at pang-12 si dating Justice Sec. Leila de Lima (35).
Sumunod naman sina Valenzuela Rep. Win Gatchalian (28.8), Sen. TG Guingona (23.5), Manila Vice Mayor Isko Moreno Domagoso (22.2), Leyte Rep. Martin Romualdez (22.1), Mark Lapid (21.8), dating Metropolitan Manila Development Authority chairman Francis Tolentino (21.4), dating Energy Sec. Jericho Petilla (14), aktor na si Edu Manzano (13.6), at Bayan Muna Rep. Neri Colmenares (12.3).
Ang iba pang kandidato ay nasa single digit na ang nakuha.
Ang survey ay ginawa mula Abril 12-17 at kinuha ang opinyon ng 4,000 respondents. May error of margin ito na plus/minus 1.5 porsyento.

Read more...