Nangunguna pa rin si Sen. Bongbong Marcos sa vice presidential race, ayon sa survey ng Pulse Asia para sa ASB-CBN mula Abril 12-17.
Nakapagtala si Marcos ng 29 porsyento mas mataas ng dalawang porsyento kumpara sa survey noong Abril 5-10.
Si Marcos ang nanguna sa Metro Manila (43 porsyento) at iba pang bahagi ng Luzon (36). Pangalawa naman siya sa Visayas (20), at pangatlo sa Mindanao (19).
Pumangalawa naman si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na nakapagtala ng 23 porsyento, o dalawang porsyentong pagtaas.
Siya ay pinakamataas nasa Visayas (35 porsyento). Sa Luzon siya ay pangalawa (18), pangatlo sa iba pang bahagi ng Luzon (19), at pangalawa sa Mindanao (23).
Pangatlo naman si Sen. Francis Escudero na may 20 porsyento. Siya ay pangalawa sa NCR (tabla kay Robredo), pangalawa sa balanse ng Luzon (25), pang-apat sa Visayas (17) at Mindanao (13).
Pang-apat naman si Sen. Alan Peter Cayetano na may 16 porsyento na tumaas ng isang porsyento.
Si Cayetano ang pinakamataas sa Mindanao (32), pangatlo sa NCR (14), pang-apat sa iba pang bahagi ng Luzon (7), at pangatlo sa Visayas (19).
Malayo naman sina Sen. Gringo Honasan na pang-lima at may apat na porsyento at sinundan ni Sen. Antonio Trillanes na may tatlong porsyento.
Ang survey ay may error of margin na plus/minus 1.5 porsyento. Kinuha ang opinyon ng 4,000 respondents.
Bongbong nanguna muli sa survey
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...