Heart ibinuking ang favorite loveteam ni Chiz: Adik ‘yan kina Popoy at Basha!

heart evangelista

Tulad ng mga hopeless romantic Pinoy, ibinuking ni Heart Evangelista na super favorite din pala ni Sen. Chiz Escudero ang sikat na pelikula nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na “One More Chance.”

Akala lang daw ng marami ay napakaseryoso ni Chiz lalo pa sa mga debate at sa interviews na napapanood ng mga tao sa TV. Pero ayon kay Heart, romantic din ang mister niya at komedyante rin kung minsan.

Kapag nasa bahay nga raw, madalas gusto ng senador na wag na nilang pag-usapan ang trabaho, pero dahil hindi rin nila maiwasan magpa-kwento, ay may mga times na nagtatanong pa rin sila sa isa’t isa about showbiz and politics.

“Siya po mas madami siyang itinatanong tungkol sa trabaho ko dahil ma-chismis yan eh. Itinatanong niya kung sino yung mga mag-on? Sino nag-break?” natatawang sabi ni Heart. Very interested nga raw sa showbiz happenings si Sen. Chiz at talagang mahilig manood ng Tagalog movies.

Sobrang adik daw ito sa mga pelikula nina JLC at Bea lalo na sa pelikulang “One More Chance” kung saan gumanap sila bilang sina Popoy at Basha. “Saka mahilig yan manood ng Tagalog movies. Popoy-Basha. John Lloyd at Bea. Diyos ko po! Adik na adik yan sa mga pelikula nila,” kwento ni Mrs. Escudero.

Sa tuwing nasa bahay nga raw sila ay nagtatanong rin naman si Heart sa kanyang mister ng mga nangyayari sa pulitika. It’s her own way of learning from her husband daw since kapag nage-explain ito ay talagang ang dali na for her na intindihin ang mga kumplikadong bagay.

“Pero ako, kapag kunwari may mga seryosong bagay, ayan, biglang magsi-shift siya from very funny, magiging seryoso. Magkukwento na yan, mag-e-explain. Lahat ng tanong, may sagot yan,” chika pa ni Heart.

Read more...