Ritz Azul inaway ng bashers, mamalasin daw sa ABS-CBN

ritz azul

BINA-BASH si Ritz Azul all because she chose ABS-CBN over GMA-7. Tinawag siyang starlet, hindi raw sisikat at mamalasin sa ABS-CBN dahil sa ginawa niyang pagpapaasa sa Siyete.

Excuse me lang, ha. Highly illogical naman kung pipiliin niya ang Siyete dahil wala naman itong concrete plan on how they will take care of her career. Unlike sa Dos, nakalatag na ang career plan sa kanya, may patutunguhan ang karera niya.

So, sino ang pipiliin niya? Siyempre ang Dos. Also, being in the number one network ay secured na ang career ni Ritz. GMA spin masters always make it appear na sila ang number one network but sadly, hindi ganoon ang lumalabas.

Sa primetime na lang, wala silang ipinananalong teleserye. Hindi nila ma-achieve ang more than 40% rating ng Ang Probinsiyano o ang more than 30% ng Dolce Amore. Taob na taob sila sa primetime ratings ng Dos.

Nakakasa na ang unang soap opera ni Ritz sa ABS. Magaling namang mag-overhaul ang network, magaling silang magpasikat ng talents nila kaya ‘di kami magtataka kung tumaas pa ang premium ni Ritz as a celebrity.

Tingnan n’yo naman ang ginawa ng Dos kay Coco Martin bago kayo manghusga, ‘no!

Read more...