Sikat na aktres walang patawad, pati make-up artist inutangan

BLIND ITEM FEMALE 0415

HALA! Totoo kaya ang kumakalat na kuwento tungkol sa isang kilalang female personality na sa tindi ng pangangailangan ay dyinutangan pati ang kanyang make-up artist?

Para namang hindi kapani-paniwala ‘yun dahil hindi ba naman siya mahihiya kung pati ang make-up artist niya ay bubulabugin pa niya kapag talagang matindi na ang pangangailangan niya sa datung?
Nakakahiya naman yata ‘yun, parang hindi kaima-imagine na pati ang tagakulapol ng kanyang face sa taping ay aabalahin pa niya, parang OA na yata ang kuwento.

Pero makulit ang isang source na nakatrabaho sa isang serye ng pamosong aktres, “Trulili ‘yun! In fairness, e, binayaran niya naman ang inutang niyang five puk (read: five thousand pesos), pero kahit pa, hindi ba naman nakakahiya sa estado niya ang ganu’n?

“Nakakaloka ‘yun, ha? Maraming naloka sa ginawa niya, kesehodang nu’ng sumunod na taping nila, e, paysung niya naman ang inutang niya sa becking make-up artist! “Ganito kasi ‘yun. Hindi siya mapakali, may tawag nang tawag sa kanya, mahinang-mahina lang ang voice of the Philippines niya habang nakikipag-usap sa phone.

“Maya-maya, sinabi niya na kailangang-kailangan kuno niya ng datung dahil hindi siya nakadaan sa bank on her way to the taping kuno. Natural, may-I-ask siya ng becki kung how much! “Ayun, five puk nga ang sinabi niya, ibabalik din daw niya agad-agad, gibsung naman sa kanya ang becki! Heto na, maya-maya, e, dumarating na ang pagbibigyan niya ng datung!

“Sino pa nga ba ‘yun kundi ang dakilang pag-ibig ng lola n’yo! Bradly Guevarra, kilalang-kilala mo siya, d’yan siya magaling, d’yan!” pagtatapos ng aming impormante.

Read more...