SIRA-ULO daw si Davao City Mayor Rody Duterte, ayon kay Vice President Jojo Binay na isa sa mga karibal ng kontrobersiyal na mayor.
Si Duterte ang nangunguna sa mga surveys ng presidentiables kaya’t dapat ay huwag paniwalaan ang mga batikos sa kanya ng kanyang mga katunggali sa pulitika.
Ang basehan daw ni Binay ay ang psychological profile ni Duterte sa resolusyon ng korte sa annulment ng kasal niya sa kanyang unang asawa na si Elizabeth Zimmerman.
Alam n’yo, mga mambabasa ng column na ito, kapag gustong ma-annul ang kasal ng mag-asawa sa korte, mag-iisip sila ng kung anu-anong dahilan upang maaprubahan ng korte ang kanilang petisyon.
Halimbawa, ang petisyon ng isang dating beauty queen na naging tanyag na artista na pawalang-bisa ang kanyang kasal sa businessman ay inaprubahan ng korte dahil di na raw tumitigas ang ari noong kanyang asawa.
Napag-alaman ko sa isa kong kaibigan na kakilala ng nasabing businessman na walang katotohanan ang petition for annulment of marriage; gawa-gawa lang daw yun ng dating mag-asawa.
Ang businessman, sabi ng aking kaibigan, ay machong-macho at very capable sa kama hanggang ngayon kahit na siya’y may edad na.
Isa kong kakilala na hindi ko siyempre babanggitin ang pangalan ay nagpawalang-bisa ng kasal sa kanyang asawa of 14 years.
Nagkasawaan na silang mag-asawa sa isa’t isa kaya’t dumulog sila sa korte at nagpetisyon na pawalang-bisa ang kanilang kasal.
Ang kanilang dahilan? Sexual impotence daw ng lalaki mula nang sila’y ikasal.
Tatawa-tawa ang lalaki nang sinalaysay niya sa akin ang petisyon.
Nadenggoy daw nila ang korte.
Napakalibog ng kakilala ko. Hindi nga siya gumagamit ng gamot upang makipagtalik sa iba’t ibang babae.
May banta daw sa buhay ni Duterte pero pinawawalang-bahala niya ito.
“I live my destiny kung ano ang destiny sa buhay ko, yan ang masunod, kung mamatay ako sa kampanya, that is my destiny,” sabi ni Digong.
Naniniwala ako sa tinurang yun ni Digong. Hindi siya nagmamayabang sa sinabi niyang wala siyang takot na mamatay.
Noong 1989 sa hostage incident sa Davao Penal Colony, inialay ni Mayor Digong ang kanyang sarili palit sa isang bata at kanyang nanay na hinostage ng mga preso.
Pumayag ang mga preso sa palit ay si Digong ang kanilang hinostage.
Sa madaling sabi, sumurender ang mga preso at napunta sa Metrodiscom headquarters jail sa Davao City .
The same prisoners held hostage a group of Protestant missionaries, at isa roon ay yung Australian lady missionary, na kanilang hinalay at pinatay noong kasagsagan ng negosasyon.
Sa pagkakataon na yun, di na pinaligtas ni Duterte ang mga nanghostage. Isa siya sa mga rumatrat sa preso.
Kaya’t nang sinalaysay niya ang hostage crisis na yun sa entablado, wala siyang malisya sa kanyang salaysay.
Pinalaki lang ng kanyang mga kalaban at ng media ang sinabi niya na nagbiro siya na dapat ay nauna siya sa Australiana na halip na mga preso.
It was a matter-of-fact recounting of that incident at ano ang nasa loobin niya nang panahong yun.
Mas lalo nilang binabatikos si Mayor Digong, mas lalong dumarami ang kanyang tagahanga.
Marami nang naglipatang mga botante kay Digong galit kay Sen. Grace Poe at Vice President Binay.
Mas dadami pa ang mga botanteng lilipat kay Digong sa araw ng eleksiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
