Vic Sotto ikinampanya ang anak na si Vico sa Pasig City

vic-sotto-620x298

 

SINAMAHAN ng “Eat Bulaga” host na si Vic Sotto ang anak na si Vico sa pangangampanya nito sa Pasig City.

Si Vico, na anak ni Vic sa aktres na si Connie Reyes, ay tumatakbong konsehal sa Pasig, sa ilalim ng Gobyernong May Puso na isinusulong ng presidential bet na si Grace Poe.

Sinamahan niya ito sa isang “house-t0-house” campaign Huwebes, ayon na rin sa Facebook account ng kandidato.

Partikular na sinugod ng mag-ama ang barangay Palatiw.

Sa kanyang Facebook post, nagbiro si Vico sa ginagawa umanong pag-chaperone ng kanyang ama sa kanya habang nangangampanya.

“Medyo nagiging kakaiba nga lang ang tema ng ‘house to house’ kapag kasama na si Papa. Ang bangko nagiging stage at ang paglalakad nagiging parang motorcade na motorless.”

Naniniwala si Vico na ang “house-to-house” campaign ay epektibo.

“House to house ang pinakamagandang uri ng pangangampanya sa pang-lokal na halalan. Bukod sa panliligaw ng kandidato sa mga botante, mas nakikilala rin niya ang mga constituents niya at ang kanilang kalagayan at pangangailangan,”

Sa kanya namang Instagram post, pinasalamatan naman ng 26-anyos na kandidato ang kanyang tatay para sa isang ‘job well done’.

Read more...