Nagpasalamat ang kampo ng presidential candidate na si Sen. Grace Poe sa pagsuporta sa kanya ni Albay Gov. Joey Salceda, na nauna ng sumuporta kay Mr Roxas.
Sa ipinadalang pahayag ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, spokesman ni Poe, sinabi nito na inaasahan nila ang pagdami pa ng pagsuporta sa senadora.
“In the coming days, we expect more public servants with the same vision to join the Gobyernong may Puso wagon,” ani Gatchalian.
Sinabi ni Gatchalian na tuloy ang pangangampanya ni Poe upang ipaglaban ang mga napag-iiwanan.
“She is steadfast in fighting for those who have been left behind, those that have not felt the growth of our economy. Sen. Poe is elated that she found a new ally to carry on this task.”
Kahapon ay ipinahayag ni Salceda ang pagsuporta kay Poe. Si Salceda ay miyembro ng Liberal Party na pinamumunuan ni Roxas.
“Ang presidente ko ay may malinaw na plano at may puso para sa ordinaryong Filipino. May pagkiling sa kanayunan at may paninindigan para sa bayan. Malinis ang intensyon. May galing at lakas ng loob magpatupad ng batas,” ani Salceda.
Salceda tumalon na kay Poe, iniwan si Roxas
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...