Kathryn sa pagiging super sweet ni Daniel: Magulat tayo kapag meron siyang ibang babaeng ginaganu’n!

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

KUMALAT sa social media ang pagbabatian ng tatlong sikat na loveteams sa showbiz sa coronation ng Box Office King & Queen last Sunday. We’re referring of course, sa magkalabtim na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, James Reid minus Nadine Lustre at sina Alden Richards with Maine Mendoza.

Magkakatabi sina Kathryn, Daniel at James sa harap ng stage noong dumaan sina Alden at Maine.

Habang naglalakad sa harap nina Kathryn, Daniel at James ay binati sila nina Alden at Maine.

Hopefully, this will end the rumors na hindi sila okey at naapektuhan na ng showbiz rivalry.

Kungsabagay, ang mga fans lang naman ng tatlong loveteams ang usually nag-aaway-away which is understandable.

Sey nga ni Kathryn sa amin when we had the chance na makausap siya during the KB Buddies birthday treat sa kanya na sinasabihan daw nila ang fans nila ni Daniel na huwag makipag-away sa ibang fans club.

“Pero ‘yung iba talaga nakikipag-away. Hindi mo rin masisisi ‘yung ibang fan group kasi may kanya-kanya silang tsini-cheer, e. Better na lang siguro kung hindi talaga mag-aaway-away kasi ang gulo, e.

Marami rin kasing nai-involve, marami ang nai-stress. So, sana kung maiiwasan huwag na, kung kaya,” sabi ni Kathryn.

And speaking of KathNiel, finally umamin na rin si Daniel sa tunay na relasyon nila ngayon ni Kathryn. Sa isang interbyu ay tinanong siya tungkol sa sobrang kasweetan niya kay Kathryn. Ibig sabihin daw ba nito ay sila na in real life.

Simple at nakangiting sinagot ni Daniel ang tanong with this line, “Action speaks louder than words.”

No wonder, super sweet sina Kathryn at Daniel sa nakaraang thanksgiving party ng ABS-CBN para sa success ng huling teleserye nila na Pangako Sa ‘Yo.

“Magulat tayo kapag meron siyang ibang ginaganoon. Ha-hahaha! Kasi nga, through the years sIyempre kilala namin ang isa’t isat at malaking parte sa buhay namin ang isa’t isa,” sabi ni Kathryn.

Read more...