Mystica sumuko na sa mga basher, umiiyak na nag-sorry kay Duterte

By Cristy Fermin April 22,2016
share this

Mystica sumuko na sa mga basher, umiiyak na nag-sorry kay Duterte

By Cristy Fermin April 22,2016
share this
MYSTICA AT RODY DUTERTE

MYSTICA AT RODY DUTERTE

ISINUKO na ni Mystica ang kanyang bandera, kung gaano katalas ang kanyang dila sa pagmumura nu’n kay Mayor Rodrigo Duterte sa kanyang video post ay ‘yun naman ang parang pagiging maamong tupa niya ngayon sa pagbawi sa kanyang mga sinabi, may paiyak-iyak pa ang pa-split-split na singer sa kanyang bagong drama.

Hindi nagkamali ang mga kababayan nating nagsabi ng KSP si Mystica, kulang sa pansin, gusto lang niyang mapag-usapan dahil wala na siya ngayon sa gitna ng aksiyon.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Kitam? Wala pang ilang araw, binawi na ni Mystica ang mga pinagsasabi niya? Bumitiw na siya sa argumento, wala siyang paninindigan!

“Gusto lang talaga niyang makisawsaw sa ingay ng pulitika, gusto lang niyang umeksena, gusto lang niyang makaagaw ng pansin. Pero nu’ng inuupak-upakan na siya ng mga supporters ni Mayor Digong, ano’ng ginawa niya, di ang bumitiw sa mga pinagsasabi niya?” nalolokang komento ng aming kaibigan.

Nu’ng una pa man ay wala nang naniwala sa mga kuda ng singer, agad-agad siyang hinusgahang KSP, inupakan siya nang husto ng mga tagasuporta ng mayor na pinagmumura niya sa kanyang video post.

At ngayon nga ay suko na si Mystica, nagsisisi na kuno siya sa kanyang mga pinagsasabi, sa kanyang pagso-sorry ay wala na ang mga becki sa kanyang likuran.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending