Davao Oriental niyanig ng magnitude 5 lindol

davao oriental
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 5 ang Davao Oriental kahapon ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Nagbabala ang Phivolcs na posibleng magkaroon ng aftershock ang pagyanig na ito.
Naramdaman ang lindol ala-1:17 ng umaga at ang sentro nito ay natunton 16 kilometro sa silangan ng bayan ng Cateel.
May lalim itong 102 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Naramdaman ang Intensity IV sa Cateel, Davao Oriental; Bisig, Hintuan at Barobo sa Surigao del Sur.
Intensity III naman sa Lingig at Lianga sa Surigao del Sur.
Intensity II naman sa Cagayan de Oro City; at bayan ng Valencia sa Bukidnon.

Read more...