Nadine: Hindi naman po playboy si James!

james reid

Sa halip na magselos at magalit, ipinagtanggol pa ni Nadine Lustre si James Reid sa mga nagsasabing paiiyakin lang siya ng binata dahil sa pagiging playboy nito.

May lumabas kasing video kamakailan kung saan makikita na may kasamang dalawang babae si James sa loob ng kotse, ipinagpalagay ng marami na niloloko raw ng binata ang kanyang girlfriend. Pero sa panayam nga ng Tonight With Boy Abunda kay Nadine, sinabi ng dalaga na wala siyang nakikitang masama kung makipagkaibigan sa ibang babae si James.

“Hindi naman siya playboy. Regarding the video, ‘yung mga nandoon naman po sa video, kilala ko naman po kung sino ‘yung nandoon sa car,” paliwanag ng dalaga. Para sa mga nagsasabing peke naman daw ang kanilang relasyon, depensa ni Nadine, “If ayaw nila maniwala, it’s up to them. Basta ang importante po, me and James, we know what’s real and we know the truth. That’s what’s important.”

Read more...