Bata, Django lalabanan ng inmates

SANAY lumaban sa mga pinakamahuhusay na pool players sa buong mundo sina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante.
Pero sa pagkakataong ito ang makakasagupa ning magkumpareng sina Bata at Django ay ang mga tirador sa bilyar ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa.
Ito ang inihayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Atty. Jose Luis Gomez.
“We organized a billiards tournament among the inmates inside the Bilibid,” sabi ni Gomez. “And then ang kanilang pinakapremyo ay ang makaharap at makalaban ang kanilang iniidolo na sina Efren at Django.”
Ani Gomez, makapagbibigay ito ng kasayahan at makakatulong sa rehabilitasyon ng mga inmates. —Angelito Oredo

Read more...