Show promoter inireklamo ni Kakai

KAKAI BAUTISTAHUMINGI ng paumahin ang kampo ni Kakai Bautista sa mga Pinoy as Switzerland na nagpunta sa Zurich para sa nakatakda sana nitong Meet & Greet doon.

Inireklamo ng komedyana at ng kanyang manager ang hindi pagbabayad sa kabuuang halaga ng napagkasunduang talent fee para sa two-day show ni Kakai sa Zurich, Switzerland.

Sa kanyang official Facebook page, nag-post ng mensahe si Kakai nitong nakaraang April 18, kinumirma nitong hindi sinunod ng show promoter ang kanilang kontrata, kabilang na ang full payment at hotel accommodations sa Switzerland. Hindi rin daw sinagot ng promoter ang kanilang dinner sa mismong show ng komedyana.

Sey pa ni Kakai, kahit na noong pauwi na sila ng Manila ay wala pa rin silang nakukuhang sagot mula sa show promoter tungkol sa kanilang mga hinaing. Nalaman din daw nila na nagbayad na diumano ang sponsors ng show sa kanilang promoter.

Sa Instagram account naman ng manager ni Kakai na si KF Bautista, ipinost nito ang bahagi ng kontratang pinirmahan nila.

Narito ang kabuuan ng IG message ng ArtistGallery tungkol sa isyu: “Humihingi kami ng paumanhin sa mga taong nagpunta para sa naka schedule na Meet and Greet ni kakai tonight. Gusto ko lang sana ma explain ang side namin na kaya hindi kami nakapunta dahil hindi pa kami bayad sa Second Show (Dinner/ Meet and Greet) then isusubo na naman kami sa 3rd commitment na wala na naman kaming nakukuhang kaukulang bayad.

“Tinanggap na namin na sa 4 days stay namin sa Switzerland na 2 days lang ang binayaran nyong Hotel Accomodation namin kahit na pinasukan nyo kami ng araw araw na schedule. Tinangal nyo pa ang Per diem namin na magsisilbing food allowance namin. Sana settle nyo nalang tom bago kami umalis ang balance nyo sa amin. Matuto naman sana tayong rumespeto ng Contrata.

“Naging mabait ako makipagusap sa inyo hangang sa ngayon kaya naman nakikiusap kami sa inyo ng maayos na paki settle naman ang obligasyon nyo sa amin kung ano ang ating napagusapan. Paumanhin na din sa inyo kung hindi namin matatangap ang Post Dated Check na Offer nyo.

“Dahil pinagbigyan ko na kayo na hindi fully paid kami bago umalis.kaya ngayon kami naman ang nakikiusap sa inyo na ayusin nyo nalang ito.Ayoko na sanang dumating pa ito sa Demendahan kaya panawagan sa mga taong involve dito na paki gawan nalang ng paraan na masettle tom morning bago kami umuwi. Ng kahit papaano makabalik kami sa Pinas ng walang kinikimkim na sama ng loob.”

Wala pang inilalabas na official statement ang show promoter sa reklamo nina Kakai. Bukas ang pahinang ito sa kanyang pahayag.

Read more...