Babaeng kandidato tuluyang wawasakin ng mga kalaban; black propaganda kasado na

BLIND ITEM  FEMALE 0318MAY isang grupong magiging aktibo isang araw sa paninira sa isang pulitikong babae. Hindi nakaligtas sa pang-amoy ng mga impormante ang mga ginagawa nilang preparasyon para wasakin ang imahe ng female politician sa mga huling sultada ng labanan.

Marami silang iimbentuhing senaryo, palalabasin nilang kabaligtaran ng nakikita natin ngayon ang tunay na ginagawa ng babaeng pulitiko, wasak kung wasak ang gagawin nilang hakbang dahil lumalaki na ang ungos ng babaeng kumakandidato kontra sa kanyang mga kalaban.

Kuwento ng aming source, “Tahimik pa sila ngayon, pero isang araw, magpapainterbyu na sila nang kaliwa’t kanan. Meron silang mga kuwentong nakahanda na para wasakin ang female politician.

“Ang mali lang sa kanila, meron silang ni-recruit na female personality na may kadaldalan. Ipinamamalita niya sa kanyang mga fans ang nakatakda nilang gawin.

“Napaghandaan tuloy sila ng kampo ng female politician, gumagawa na rin ng pangontra sa mga palalabasing paninira sa kanya ang girl, tingnan na lang natin kung maituloy pa nila ang mga bombang pasasabugin kuno nila laban sa babaeng pulitiko.

“Ang dapat sa mga taong ganu’n, e, waswasan ng insenso para matakot sila sa mga plano nilang gawin.

Baka sakaling hindi nila ituloy ang mga paninira sa girl kapag nakaamoy na sila ng insenso,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Ang masaklap sa kuwentong ito ay hindi iba sa babaeng pulitiko ang mga nagpaplanong wasakin siya.

Kilalang-kilala at hindi niya na itinuturing na iba sa kanya ang mga nagpapasimuno sa aksiyon kontra sa kanya.

“Bradly Guevarra, hanggang ngayon pala, e, hindi pa rin tumitigil sa kakukuda ang babaeng ito? To the tune of how much kaya ang lahat ng ito? Nagtatanong lang po. Inuulit ko, nagtatanong lang po,” pagtatapos ng aming source.

Read more...