NAGSILBING reunion ng tatlong dating host ng Startalk ang launching ng third book ng TV host-entertainment editor na si Ricky Lo na ginanap sa Sampaguita Gardens, San Juan kamakailan.
Nagkita-kita sa launching ng “Conversations Pa More” sina tito Ricky, Butch Francisco at Manay Lolit Solis na halatang na-miss ang isa’t isa. Halos isang taong nang wala sa ere ang Startalk kaya naman madalang na rin silang magkita-kita.
Ilan pa sa mga celebrities na sumuporta sa book launching ay sina Susan Roces, Pilita Corrales, Carmen Soriano, Ricky Reyes, Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Ang ikatlong libro ni tito Ricky ay maaari nang mabili ngayon sa National Bookstore at Powerbooks stores nationwide published by VRJ Books na pag-aari ng Viva Entertainment.
Mababasa rito ang mga di malilimutang interview ng entertainment editor sa mga sikat na celebrities sa local showbiz. Ilan sa mga artistang nakasama sa libro ay sina Kris Aquino, Alden Richards, Maine Mendoza, Piolo Pascual, Sam Milby, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Heart Evangelista, Luis Manzano, Robin Padilla at marami pang iba.
Sabi ni tito Ricky, “Coversations Pa More offers colorful, juicy and revealing time capsules not only of the public and private lives of the featured celebrities but also some unforgettable milestones in Philippine showbiz.” Aside from this, the book also comes with several previously unreleased exclusive photos kaya mas magiging exciting and colorful ang inyong pagbabasa.
Samantala, ibinalita rin ng VRJ Books na malapit na rin nilang ilabas ang biography ng yumaong box-office director na si Wenn Deramas. Nakumpleto ng direktor ang lahat ng materyal para sa nasabing libro bago pa ito namaalam. Bukod dito, nakatakda na ring i-release ng VRJ ang first lifestyle-oriented book mula sa reel and real life sweethearts na sina James Reid at Nadine Lustre.
Speaking of Susan Roces, nakachika ng ilang members ng press ang movie queen sa book launching ni tito Ricky at dito nga niya sinabi na patuloy niyang ipinagdarasal ang anak na si Grace Poe na maging mas matatag at matapang lalo na ngayong malapit na ang eleksiyon.
Ayon kay Ms. Susan, bilang ina, ang tanging magagawa lang niya ngayon para sa anak ay magdasal, magbigay ng moral support at walang tigil na pagbibigay ng advice upang mas patatagin pa ang paninindigan ng senadora tungkol sa iba’t ibang issue ng bansa.
Samantala, kumalat naman sa social media ang isang video ni Grace kung saan huling-huli siya habang sumasabay sa lyrics ng hit OPM song na “Buko” ni Jireh Lim habang ginaganap ang political rally ng Partido Galing At Puso nitong weekend sa Pili, Camarines Sur.
Kumukumpas-kumpas pa ang anak ni Da King Fernando Poe Jr. at Ms. Susan habang sinasabayan ang chorus na kanta na patok sa masa. Natuwa ang mga kabataan sa kumalat na cellphone video na kuha ng isang reporter dahil ipinapakita nito umano na malapit sa mga kabataan ang senadora.
Updated si Grace sa mga uso sa kabataan dahil sa kaniyang mga anak na sina Brian, Hanna at Anika.
Siya rin ang pinakabatang kandidato sa pagka-pangulo sa edad na 47. Kahit sobrang busy ang kaniyang schedule sa kampanya, sinisiguro ni Grace na may panahon pa rin siya para sa tatlong anak niya.
Naikwento nga kamakailan ni Grace, kahit hindi siya masyadong nakakanood dahil sa busy niyang schedule, nakakasunod pa rin siya sa uso, kabilang na ang AlDub, dahil na rin sa kanyang mga anak.