Makapagbabarko bang muli?

Sulat mula kay William ng Loyongsawang, Abuyog, Leyte
Dear Sir Greenfield,
Dating seaman ako pero magdadalawang taon na ako dito sa Pilipinas ay di pa rin uli ako nakakasampa sa barko. Madami akong aplay sa iba’t-ibang agency at shipping company pero hanggang ngayon di pa rin ako tinatawagan. Parang nawawalan na tuloy ako ng pag-asa na makakasampa pa uli sa barko at naubos na halos ang savings ko, kaya naisipan kong sumulat sa inyo, kung ako ba ay makapag-aabroad pang muli? At sa ikalawang pagbabarko ko magiging okey na kaya ang buhay naming at susuwertehin na kaya ako? May 5, 1988.
Umaasa,
William Abuyog, Leyte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Malinaw na may ikalawang Travel Line (Illustration 2-2 arrow 2.) sa iyong palad. Tanda na kaunting paghihintay na lang, tiyak ang magaganap, sa taon ding ito ng 2016, may isang mabunga at mabiyayang pag-aabroad na itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
Five of Hearts, Jack of Diamonds, at Six of Diamonds (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing sa sa taon ding ito ng 2016, muli kang makapagba-barko at sandaling nakapag-abroad kang muli, maraming-maraming kita ang mararanasan sa ibang bansa, na tulad ng nasabi na posibleng maganap sa taon ding ito ng 2016 sa buwan ng Mayo o kaya’y Hunyo, sa edad mong 28 pataas.
Itutuloy

Read more...