Analyst: PH dapat matakot kay Duterte

Rodrigo-Duterte-1123-660x371
SINABI ng isang political analyst na dapat matakot ang Pilipinas kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa harap naman ng kontrobersiyal niyang biro hinggil sa ginahasang Australyana.

Sa isang panayam sa Radyo Inquirer, sinabi ni Prof. Ramon Casiple na sumasalamin lamang ito sa pagiging “lumpenproletariat” ni Duterte.
“Usapang lumpen[proletariat]. ‘Yan ang naghihiwalay sa ordinaryong urban poor sa mga kriminal. ‘Yung mga lumpen,’yung mga basagulero ‘yan. ‘Yan’yung linggwaheng ginagamit sa mga kalsada at kanto,” sabi ni Casiple.
Nauna nag binatikos si Duterte matapos namang kumalat sa social media ang video clip kung saan binanggit ni Duterte ang nangyaring hostage taking sa isang Davao detention cell noong Agosto 1989.
“Son of a bitch, what a waste. I was thinking that they raped her and lined up. I was angry because she was raped, that’s one thing. But she was so beautiful, the mayor should have been first, what a waste,” ang bahagi ng pahayag ni Duterte.
Umani naman ng batikos ang ginawang biro ni Duterte kaugnay ng pagpatay at panggagahasa sa 36-anyos na Australian lay missionary na si Jacqueline Hamill

“’Yung linggwaheng niyan, in-adopt niya so siguro bobotohin siya nun. Pero iilan lang naman sila sa lipunan. Pero hindi ’yan bahagi ng normal na lipunan… Lalo ka dapat matakot na may lumpen[proletariat] kang presidente. Loose cannon ‘yan,” dagdag ni Casiple.
Idinagdag ni Casiple na inaasahan namang makakaapekto sa kandidatura ni Duterte.
“Malapit ang tama, pamilya eh. Ang expectation ko dito ay mababawasan ang traction niya sa mga bagong nakakakilala sa kanya. Posible sa Mindanao, mapapalamapas ‘yan nung mga nakakakilala sa kanya before,” dagdag ni Casiple.

Read more...